Lakas loob.

Nagkaroon na ako ng lakas ng loob gumawa ng fan page ko sa Facebook (https://bit.ly/2P5jxBr).

Honestly ang dami ko’ng doubt sa sarili ko kung dapat ko ba ituloy? Worthy ba ang mga post ko? Bakit ko ba kailangan gumawa ng page e may wordpress na ako? At handa na ba ako mag share sa ibang tao ng mga nilalaman ng isipan ko? Baka ma judge lang nila ako na hindi naman ako magaling o marunong at baka trying hard lang talaga ako.

Sa totoo lang, sarili ko lang ang nagbibigay ng mga ganyang meaning sa bawat aksyon na gusto ko gawin. Literal na “advance mag-isip”. Hindi ko alam kung bakit?

Pero sa tuwing may nagsasabi sa akin na maganda ang gawa ko, na yung mga pinost ko is nakaka encourage, at kapag sinasabihan nila ako na magaling ako gumawa at maglabas ng emosyon ko sa mga napopost ko, nagbabago yung mga maling iniisip ko sa sarili ko.

Siguro tulad ko, hindi rin lang talaga natin masisisi ang sarili natin na magkaroon ng self doubt lalo na, nasa panahon tayo na kung saan bawat galaw natin may nasasabi ang mga tao. Kaya to encourage myself na din at ang ibang tao, I posted something relevant sa pinagdaraanan ko.

So ano ba ang purpose ng Fan page ko?

Noong una, ang dahilan ko lang talaga ay mag post ng mga hugot lines ko, imaginations, at mga salitang dumaraan sa aking mumunting isipan. Ngunit mas naencourage pa ako to keep it updated ng marealize ko na kung ano talaga ang purpose ko sa fanpage ko, it is to Encourage more people and Lift them up sa mga simpleng salita na aking naisulat para mabasa nila.

So ano ang point ko?

Simple lang, may mga bagay tayo na gusto gawin pero hindi natin magawa dahil napapangunahan tayo ng takot. Ngunit kung ang dahilan mo naman ay para makatulong sa ibang tao at bigyan ng kasiyahan ang sarili mo, Bakit mo susundin ang takot na pumipigil sayo na magsimula.

Get out of your comfort zone. Learn to embrace changes. At wag mo hayaan na dumating ang araw na pagsisihan mo kung bakit di mo ginawa ang mga bagay na gusto mo talaga gawin dahil lang natatakot ka.

Sa ngayon, I’m still the same person na nagda’doubt pa rin sa sarili. But I choose to fear not.

Kung kaya nila, Kaya mo rin.

Tandaan mo, may mga bagay talaga na out of your control.

Pero ang self doubt natin, may control tayo dyan.

Be Strong.

Stay Strong.

Dahil deserve mo maging masaya.

Please like my Page: https://bit.ly/2P5jxBr

*wag lang po kayo magtaka kung bakit iba ang nasa picture, url at page name. Di ko kasi ma-edit. It suppose to be “isinulat”, pero di ako payagan ni fb to change my page name. Happy to Share is the page name of my previous plan page na hindi natuloy haha.

Thank you.

Advertisements

Walang “TAYO”

Parang tayo, ngunit walang “tayo”.

Pilitin ko man wala rin magbabago.

Kahit sabihin ko sayo ang totoo,

Alam ko’ng di pwedeng maging Ikaw at Ako.

Dahil, mayroon nang nagmamay-ari,

Sa puso mo at di ko na dapat ipilit.

Sapat na ang lahat ng mayroon tayo.

Kahit suntok sa buwan, pipilitin ko.

Dahil walang “Tayo”.

Ang totoo, hindi ko alam kung ano ang hugot ko noong mga panahon na naisulat ko ito. Nakita ko lang sa notebook ko. Kaya i-publish nalang natin.

Mema lang sya. 😄

KARITON

Sa isang kanta, mayroon akong natuklasan.

Istorya ng buhay ng isang ama, para sa kanyang pamilya.

Kariton nga pala, ang title ng kanta. Na isinulat ni Philip Jarilla.

Sa kanta na ito.

Mata ko ay namulat, na para bang may kirot sa puso ko na dumadanak.

Dinamdam ko ng buong buo ang bawat salita.

Na kung ikaw din mismo ang makikinig, iyo rin madarama.

Imahinasyon ang gumalaw, sa aking mumunting isipan.

Buhay ng ating bida ang aking nakikita.

Nahabag, kumirot ang puso at napangiti habang sinusundan ang ating bida.

Hirap man talaga, tuloy pa rin ang istorya nya.

Sa ganda kasi ng bawat liriko, at sa tugtog na isinama dito

iyong mapapansin na ito’y pinag-isipang mabuti bago likhain.

Mistulang dokyumentasyon ng isang Pilipino na sadlak sa lupa at humihingi ng saklolo.

Istorya ni manong kasama ang kanyang pamilya sa kariton.

Kariton na sumisimbolo ng kahirapan dahil walang matirahan kaya nasa lansangan.

“Patuloy ang ikot sa mundong malikot ang buhay kariton ni manong.

Patuloy ang sulong ng gulong na maalog ang buhay kariton ni manong.”

Sa bawat paglalakad sa lakbayin ng buhay, pilit parin umiikot at sumusulong si tatay.

Hindi tumitigil, mabigyan lang ng pagkain ang pamilyang kapiling.

Sa ngiti at yakap nila, isang ama ang nabibigyang pag-asa.

Ama na gagawin ang lahat para sa pamilya nya.

Kung ako papipiliin. Itong kanta na ito na ang panalo sa akin.

Sana ay palarin. Para marami pa ang makarinig.

Nawa ito’y gumising sa natutulog na damdamin,

Ng mga taong, napanghihinaan sa buhay at yaong mga walang pake rin.

“Patuloy ang ikot sa mundong malikot ang buhay kariton ni manong.

Patuloy ang sulong ng gulong na maalog ang buhay kariton ni manong.”

Hiling ko’y iyo ring marinig.

Simulan mo dito (https://bit.ly/2EujVER) at iyong damdamin.

Acknowledgement:

Salamat Sir Philip Jarilla, kung sakali man na mabasa mo ito.

Nakagawa ka ng isang kantang naging inspirasyon saken. Kudos sa galing at talento mo.

Credit: Philpop2018

Interpreted by: Acapellago.

Ako lang ba?

Ako lang ba? After mai-lock ang pinto, biglang mapapaisip ng “nai-lock ko ba talaga ang pinto? ”

Ako lang ba? Yung pinaplano kung paano at kailan magbabayad sa jeep at uv.

Ako lang ba? Yung paranoid, mag oorder lang naman sa counter ng fast food.

Ako lang ba? Yung mahilig mag picture pero tamad mag upload.

Ako lang ba? Yung marunong at may talent naman pero duda sa kakayanan.

Ako lang ba? Yung kain ng kain pero hindi naman tumataba.

Ako lang ba? Yung bigla nalang nalulungkot ng walang dahilan.

Ako lang ba? Yung nagsasabi na matutulog agad pag-uwi sa bahay peri end up magpupuyat din pala.

Ako lang ba? Yung nanunuod ng Kdrama tapos “Last one Episode pa”.

Ako lang ba? Yung magaling mag advise sa iba pero sa sarili hindi.

Ako lang ba? Yung maraming gusto matutunan pero takot simulan.

Ako lang ba? Yung kapag walang kasama sa bahay, paranoid na baka may pumasok sa bahay na hindi ko kilala.

Ako lang ba? Yung nagse set ng tatlo hanggang limang alarm sa umaga.

Ako lang ba? Yung Tshirt lang ang porma, masaya na.

Ako lang ba? Yung hindi nahihiya i-kiss at isayaw ang nanay at tatay. (love ko sila e)

Ako lang ba? Yung minamadali ng mga tao na magboyfriend at mag-asawa na kahit 25 palang – di pa naman ako Gurang. ✌

Ako lang ba lahat ng ito?
Pero alam ko meron din katulad ko na ganyan ang mga pinagdaraanan.

Wala lang. Naisip ko lang bigla. Kung “Ako lang ba? “.

Naisip. Naisulat. I-publish natin yan.

Naisip. Naisulat. I-publish natin yan.

Mga salitang nalikha na sadyang sumagi lang sa isipan kahit wala naman talagang pinaghuhugutan. Ano man ang dahilan, hindi ko rin alam. Sadyang malikot lang siguro talaga minsan ang isipan.

Mema lang. ✌

Tara! Tago-taguan tayo.
Ng feelings ko para sayo.

Bumilang ka na ng sampo.

Para dahan dahan na ako lalayo.

Sabi mo ako lang talaga,
Bakit ngayon may mahal ka ng iba?

Akda ng kapalaran,
Di tayong dalawa ang nakalaan

Pinagtagpo ngunit di umayon,

Hanggang doon lang yun.

Mukha na akong tanga, naghihintay sa kanya.
Umaasang may baka sakali pa.
Kahit ang totoo, wala na.

*dagdagan natin kapag may naligaw ulit sa aking mumunting isipan* 👋

FRIENDS: They are like “one in a million”.

Last october 2,2018, nagcelebrate kami ng 10th year anniversary naming magkakaibigan. Kami ang LOCAH. Taong 2008 nabuo ang aming pagkakaibigan. Sino ang mag aakala na, aabot kami ng sampung taon. Ganun lang talaga kabilis lumipas ang panahon ngayon.

May kanya kanya kaming ugali. Di rin kami lahat perfect. Pero sa pagkakaiba iba namin, nabuo ang isang tunay na samahan hanggang sa nag click ang aming pagkakaibigan at I’m so blessed na magkaroon ng mga tunay na kaibigan sa katauhan nila.

Share ko sayo kung ano ang sekreto namin.

First. COMMUNICATION.
Ang pagkakaibigan ay nagsisimula sa communication. Nagsisimula sa isang pag-uusap hanggang sa magclick ang mga ideas, ugali at pagkatao nyo. Mas nakikilala nyo ang isa’t isa. At sa pagdaan ng panahon, importante pa rin ang communication nyo sa isa’t isa para mapanatili ang inyong pagkakaibigan.

Sa aming pagkakaibigan, nabuo kami mula sa mga kwentuhan, tawanan at kalokahan noong high school.
Nasubok ang tatag namin hanggang sa nagkahiwa hiwalay na kami noong college at nagkaroon ng kanya kanyang mga trabaho pagka graduate. Noong mga panahon na yun, nagpapasalamat nalang talaga kami dahil nageexist na si Facebook. Napanatili namin ang aming komunikasyon kahit naging busy na rin sa kanya kanyang mga propesyon. Ang isang simpleng “kumusta” ay importante para ma keep namin ang komunikasyon namin. Nag-i-sched din kami ng gala kapag nakakauwi kami sa probinsya at nabubuo. Or kahit may isang kulang, gumagawa pa rin kami ng sched para makapag meetup.
Comunication is the key para sa amin. Kahit mga walang sense na usapan, basta may pag uusapan.

Second. SUPPORT.
Tulad sa pamilya mo, kailangan naka suporta ka din sa mga kaibigan mo. Importante yan para maiparamdam mo sa kanila na mahalaga sila sayo. Ano man ang pinagdaraanan nila, problem at plano sa buhay, kahit isang simpleng “kaya mo yan”, ay mahalaga na para sa kanila.

In my experience, masaya ako everytime na nakakarinig ako ng support mula sa mga kaibigan ko. Mas nararamdaman ko na mahalaga ako sa kanila at may “say” sila sa buhay ko. Madalas ko sinasabi na, ako lang yung walang liscense sa kanila (IT kasi ako, walang exam), while sila liscense teachers and registered nurse na. Nararamdaman ko ang suporta nila everytime sinasabi nila saken na wala sa title yan, nasa sipag at tyaga yan at kung paano ako gagalaw sa professional life ko. Dagil sa support na yun, mas nafifeel ko yung love nila para sa akin. Natutunan ko rin na maging masaya sa success na meron sila, dahil para sa akin, ang success nila ay parang success ko na rin.

Third. UNDERSTANDING.
Tulad sa isang relasyon, importante ang understanding. Lalo na habang tumatagal ang pagkakaibigan, nagiging busy ang lahat at madalas nagiging problema ay ang oras or other commitment. Dapat talaga malawak ang pagiisip mo sa mga bagay bagay, dahil habang tumatagal ang pagkakaibigan tumatanda din kayo at nagmamature din dapat.
May mga problema na kahit maliit lang, kung walang pagkakaunawahan, madalas lumalaki. Kaya importante talaga ang pagiging understanding para tumatag at tumagal ang pagkakaibigan.

Fourth. REMINISCE MEMORIES.
Favorite ko to. Madalas, nagsesend ako ng mga throwback pictures namin sa group chat or topics about the past, to open conversation at para mas masaya. Maganda kasi na inaalala yung mga masasayang pangyayari sa nakaraan. Yung mga moment na puno ng tawanan, chikahan, bonding moments at kung ano ano pa. Dahil yun yung mga pinagsamahan nyo na dahilan para maging matatag kayo. Aminin, masarap pagkwentohan ang nakaraan. Nakakatawa din makita ang mga itsura nyo noon, na marami nang pinagbago. Hahaha.

Fifth. KEEP GOING.
Ipagpatuloy ang nasimulan. Naka isang taon kayo, Good. Naka dalawa o tatlo, very Good. Five years, that’s Great. Ten years ng pagkakaibigan, wow congratulations. Nakatagpo ka ng taong tumagal at tatagal pa sa buhay mo. Kaya ipagpatuloy nyo lang ang pagkakaibigan na meron kayo. Keep more memories together and enjoy each others company.

Kaya para sa LOCAH friends ko, HAPPY 10 years sa atin. Salamat sa lahat. Salamat sa pagkakaibigan na tunay. Mahal na mahal ko kayo.

So ano ang point ko.
Well, Simple lang.
Love your friends, dahil blessing sila sayo. Don’t take them for granted. Appreciate them and love them – more.
And continue to be a good/real and true friend to them.

They are like “one in a million”.

Gusto ko ng mas simpleng buhay.

Maraming nagtatanong sa akin kung bakit ko pinili mag stay sa probinsya eh mas maraming opportunity sa Maynila? Ang sagot ko lang, “gusto ko ng mas simpleng buhay”.
Marami ang di makapaniwala sa desisyon ko at ang babaw lang daw ng dahilan ko.
Pero para sa akin, alam ko na mas magiging masaya ako sa desisyon ko. Di man ako maintindihan ng iba, alam ko sa sarili ko na hindi ko kailangan i-please ang sino man para maging masaya ako.

Marami ako natutunan habang nanirahan ako sa Maynila. Lahat yun thankful ako. At isa dun ang maging kontento sa mga simpleng bagay.

Oo nasa probinsya ako. Walang mga malls, branded stores, sinehan, fastfood, 7/11, mataas na mga gusali at kung ano ano pa. Dahil dito sa probinsya namin, babyahe ka pa ng tatlo oras at ilang kilometro, makakita ka lang ng mall.

Pero sabi ko nga, mas natuto ako makontento at i-appreciate ang mga simpleng bagay na noon di ko nabibigyang pansin.

I feel so blessed na makalanghap ng sariwang hangin. Makakita ng mga bundok araw araw. Masilayan ang mga buhay na mga puno sa tabi tabi. Titigan ang ganda ng mga palayan. At sundan ng tingin ang mga ulap habang gumagalaw.

Well, simple lang naman ang point ko.

Madalas nasa mga simple at maliliit na bagay at pangyayari sa buhay natin makikita ang tunay na kaligayan.

Simplehan lang natin. Para masaya.